Linggo, Mayo 19, 2013

magkano ba ang boto mo ?

      


            Magkano ba ang boto mo ? 

 
   Hindi dahilan ang kahirapan upang ipagbili mo ang sarili mong boto. Dahil ang botong  ito, hindi Lang katulad ng simpleng pagsulat sa papel o simpleng pagbebenta ng manok sa palengke, dahil ito ang sarili mong tinig at dignidad.

  Bata pa lamang ako ay nasaksihan ko na ang harap-harapang pagbebenta ng boto ng aking mga kakilala, kapit-bahay, kabaranggay at mismong mga magulang, maging mga kawani ng gobyerno at mga tagapagpataw ng sinasabing BATAS NA WALANG TINITIGNAN ay parte rin sa nasabing VOTE BUYING AT VOTE SELLING.

  Masasabi ring, isa lamang akong bata at wala pang alam, ngunit ako, pati na rin ang aking sariling dignidad ay saksi sa kahirapan ng bansa. Bakit nga ba bumibili ng boto ang mga politiko ? panu nila nababawi ang mga nagastos ? sapat ba ang sweldo nila para mabawi ang mga nagastos ? simple lang ang sagot, walang habas nilang lalamunin ng mga mala-BUWAYA nilang bulsa ang kaban at mga proyektong dapat ay para sa mga nagdarahop nating kababayan.

  Magkano ba ang boto mo ? Magkano ang sarili mong dignidad ? Mali ang vote buying, sa mata ko na isa lamang bata at sa mata ng diyos.

1 komento:

  1. videos to watch on youtube
    youtube.co.uk/videos/2021/2021-betfair-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet-a-veteran-bet. best youtube to mp3 converter app

    TumugonBurahin